Pinoy Teacher sa Saudi

Ako po si Roland, isang guro ng wikang Ingles dito sa Jubail, Saudi Arabia. Bagamat Ingles ang pang-araw-araw na ginagamit kong salita sa loob ng paaralan, ninanais ko pa ring mag-Pilipino sa inyo dahil alam kong kakaiba ang dating ng sariling wika natin.

Tatlong taon na ang nakalipas noong nilisan ko ang ating bayan. Bagama’t taon-taon din naman kami ng aking pamilyang umuuwi para magbakasyon. Noong una mahirap sa maraming kadahilanan. Ngunit habang tumatakbo ang panahon ay tila ba nagiging gawi na rin at nakasanayan. Salamat sa Diyos at isa ako sa mga mapalad dahil sa sandaling panahon lamang ay muli kong nakasama ang mga pinakamamahal ko sa buhay.

Paano mamuhay ang isang guro sa disyerto? Mahirap bang magturo ng wikang Ingles sa mga Saudis? Sana masiyahan kayo sa kwento ko at nawa’y makapulot kayo ng aral sa mga magaganda at ilang ‘di kanais-nais na karanasan ko rito sa Saudi Arabia.

Ang Jubail ay hindi kalumaang syudad sa bandang silangan ng Saudi. Bagamat syudad sya ay kitang-kita mo pa rin ang malaking bahagi ng disyerto rito. Meron din namang mga kabahayan, gusali at iba't ibang establisyamento o estruktura. Ngunit kitang-kita mo pa rin ang malabuhanging kapaligiran dito, konti ang tao at karamihan ay mga expats na ginagampanan ang mahihirap at mabibigat na trabaho.

http://www.gmanews.tv/story/115725/Karanasan-ng-Pinoy-teacher-sa-Saudi

6 Komento ng Ulirang Guro:

Isa akong guro sa high school dito sa Muntilupa nais ko sanang mabigyan ng liwanag ang aking kasalukuyang kalagayan,ako ay nagnanais na lumipat ng paaralan na sakop din ng Muntinlupa,sumulat ako sa Division School Superintendent at ayon sa kanyang rekomendasyon ay "interposing with no objection" ngunit ang aking principal ay nagpahayag na maari akong lumipat pero kailangan kong iwan ang aking national item. Hindi ko ba talaga maaring dalhin ang aking item?gusto kong lumipat sa dahilang malapit iyon sa aming tahanan.

Please investigate All PUBLIC School Principals in the Division of Valenzuela.asap

preschool teacher po ako dito sa Canlaon city , negros oriental, at umikita lamang po ng 3,000 bawat buwan, ok na po sana yun, dahil konti lang din naman ang pangangailan namin, tanong ko lang po sana sa mga nakakataas sa DepEd, hanggang kailan po kami maghihntay ng aming sahod o honorarium? since june 2010, wala pa pong dumarating, september na po ngayun,. kung ito po ang inaasahan kong marangal na hanapbuhay, nangangahulugan po bang di na muna kami kakain dahil po sa walang budget ang pamahalaan para sa amin? buong puso po kaming nagtuturo sa mga bata, sana naman po mabigyan din kami kahit konti atleast updated man lang sana na honorarium. nagtapos po kami ng kolehiyo para makapagturo, ngunit mas maayos pa ang mga katulong sa bahay kung magkasweldo kesa samin na mga guro.

Yes the department must investigate ALL PUBLIC School Principals not only in the division of Valenzuela but rather nationwide on how they are spending their MOOE. Many of them are good only in money-making . Please Mr. Secretary . . many of our children are now drowning in deep hunger in quality education and many other things before adding another year in elementary and secondary. Many of them are crooks and hungry in power. They have no more respect and dignity in their work as an educator because of greediness in money and position.
You must act now before its too late like what had happen to the hijack bus in Manila.

You are right. MOOE is a gray area that is susceptible to corruption. It is small but its process to release the budget is too easy and can be done with hocus focus.