Teachers Bonus Released by DBM

Manila (5 November) -- Ini-release na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P11.6 bilyun para sa year-end bonus ng mga manggagawa ng gobyerno.

Ito ang ipinaabot ng DBM Secretary Rolando Andaya kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo bilang pagtiyak ng pagtanggap ng mga state workers ng kanilang year-end bonus at cash gift.

Ayon kay Secretary Andaya, ang pagpapalabas ng nasabing pondo ay hakbang upang makapaghatid ng tuwa at kasiyahan sa mga manggagawa ng pamahalaan at kani-kanilang pamilya laluna sa panahon ng kapaskuhan.

Ang year-end bonus at katumbas ng isang buwang sahod at P5,000 cash gift kung saan kalahati ang naibigay na bilang midyear bonus.

Kabilang sa mabibiyayaan ng year-end bonus at cash gift ang mga opisyal at kawani ng gobyerno, state universities and colleges, government-owned and controlled corporation, government financial institutions at local government units. (pbc/PIA 12)

----------------------------



0 Komento ng Ulirang Guro: