Friday, February 19, 2010

Drama Scripts

Pebrero 26, 2010

OUTPUT IN SIBIKA 1: Pagsasadula ng ibat ibang karapatan ng mga bata

Pamagat: “Princesa at ang batang Diwata”

Mga Tauhan:

Reyna Madrasta: Regine Branzuela
Anak ng Madrasta Raven Visitacion
Princesa : Katrina Escobañas
Batang Diwata: Sabrina Curayag
Bayarang tao : Rocky James Canlas
Dalubhasang manggagamot: Patricio Najeal
Magtotroso Patrick Misal
Asawa ng Magtotroso: Meryll Badayos

Narrator: Sabrina Curayag

Narrator: (Nagsasalita bilang panimula ng pagsasadula)
Magandang hapon po sa inyong lahat aming mga minamahal na manonood. Sa hapong ito, ay ibig namin kayong handogan ng isang munting pagsasadula na tiyak ay inyong iibigin, mamahalin at dadalhin sa inyong isipan ngayon at magpakailanman.

Bawat tao dito sa mundo, mapabata o matanda, kalahi man o dayuhan ay may kanya kanyang karapatan simula’t simula palang ng tayo’y iniluwal ng ating mga magulang.

Kaya naman ay pinili naming isasadula ang buhay at karapatan ng mga bata sa ibang bansa gaya ng nasa espanya Ito ay kwento na hango sa buhay ni Cinderela ang isang princesa na pinagmamalupitan ng kanyang mga karapatan hindi lang bilang isang ordinaryong bata kundi bilang isang princesa.

Ang dulang ito ay aming pinamamagatan ng…. “ Princesa at ang Batang Diwata!”










1st scene
(Play the background song: Material Girl)
(Makitang si Katrina ay nagbubunot ng sahig.. at si Raven ay dumating bibit ang kanyang damit..)

Raven: Aba aba…Hoy! Halika nga dito! Gusto kong labhan mo itong damit ko ngayon mismo at siguraduhing matuyo ito tatlong oras mula ngayon. Naintindihan mo?
Katrina: Opo..
Raven: Mabuti!

Narrator: Sinimulan ni Katrina ang kanyang paglalaba at pagkatapos ay kanyang pinaypayan para matuyo agad. Lumipas ang halos tatlong oras ay sakto namang natuyo na ang damit. Naisipan ni Katrina na isukat ang damit at…

(Raven ay dumating at nakita nyang sinuot ni Katrina ang kanyang damit kaya agad nyang hinila ang braso ni Katrina at itinulak sa sulok, at saka hinila ang kanyang buhok .

Raven: Kapal naman ng mukha mo! Wala kang karapatan na pakialaman ang alin man sa mga gamit ko dahil hindi ka maganda, ako lang at lalong lalo na hindi ka namin itinuring na princesa dito sa palasyo!

( Regine dumating…)

Regine: At bakit mo suot yang damit ng anak ko? Pwes dahil sa ginawa mo ay kailangan mong maturuan ng leksyon? Makinig kang mabuti. Simula ngayon ay hinding hindi ka pwedeng kumain sa kahit anong pagkain dito sa bahay, hindi ka pwedeng lumabas at maglaro kasama ang ibang mga bata at ikaw ay matutulog lamang dito sa kulongan ng mga aso,

(Katrina ay sobrang nalungkot at nabahala sa kalagayan nya at ng kanyang ama habang ipinasuk ng madrasta ang princesa sa kulongan..)

Katrina: Uhmn… Hooof

2nd scene
Narrator: Samantalang si Katrina ay nasa loob ng kulongan, ay nakipag-usap itong madrasta ng palihim sa di kilalang tao.

Rocky : Madali lang yan madam! Sya lang ba? Di bale sisiguraduhin ko
sa’yo na hindi sya makakawala sa amin. Ayos ba madam?

Regine: O sige… heto ang bayad at umalis na kayo agad, baka may makakakita pa sa inyo dito.

Rocky : Sigurado! Adios Señora.

Narrator: Noong araw ding iyon ay dinakip at kinulong ng mga bayarang tao si Katrina. Ito pala ay sugo sa kanyang malupit na madrasta dahil sa kagustuhan nitong maging taga- pagmana sa trono ng hari na may sakit. Itinago ang princesa sa isang maliit at madilim na kulongan sa gitna ng gubat kung saan balak ng kanyang madrasta na painomin siya ng lason. Kinabukasan sa madaling araw …..

3rd scene
Rocky : (Hawak ang isang baso na gatas)
Bata! Bata! Gising na. O heto ang gatas at inumin mo ito. Kailangan ay maubos mo ito, at kapag hindi ay di ka na makakalabas dyan sa kulongan mo habangbuhay. Aha ha ha ha ha… hahaha haha...

(Ibinigay ng tao ang baso kay Princesa Katrina at habang nagsasara ang tao sa kulongan ay nagpupumilit ang Princesa na makalabas sa kulongan at di namalayan ng tao na natapon pala ang gatas habang patuloy namang umalis ang tao na nakahalakhak

Rocky : (sumasayaw habang kumakanta palayo sa kulongan)
♫So long farewell I hate to say goodbye to you to you hmn hmn
hmn hmn hmn hmn…. Goodbye…♫

(Hindi nainom ng princesa ang gatas. Pero patuloy parin syang nalungkot at umiyak)

Katrina: Hu..hu.. Inay! Mahal kong Inay. Sana nandito ka lang sa piling ko, Maramdaman ko lang ang yakap mo ay mapawi na ang takot ko sa madilim na kulongan na ito. Hindi ko rin sana maranasan ang lupit na buhay kong eto.

(Kumanta ang princesa. Tono: Malayo pa ang umaga)
♫Malayo pa ang umaga, di matanaw ang pag-asa.
Hanggang kailan matitiis ang paghihirap ko,
At sa dilim hinahanap ang pag-asa na walang landas
Kailan ba darating ang bukas para sa akin….♫

(Patuloy na umiyak ang princesa at biglang maririnig nya ang isang kanta) (insert a song)

Sabrina: (Kumakanta.. Tono: Don’t Cry little one)
♫Tahan na, tahan na aking princesa.
Tahan mahal kong princesa, liligaya ka rin…♫

Katrina: Si..si..si sino yan?
Sabrina: Ako po, ang iyong fairy Godmother.
Katrina: Fairy Godmother? Sabi mo liligaya ako? E pano naman mangyayari yun?
Sabrina: Tutulongan kita dahil kailangan mong malaman ang iyong mga karapatan bilang isang bata!
Katrina : Ano po ba yang karapatan na sinasabi mo?
Sabrina: (Kumakanta sa tono ng” A whole new world”)
♫Ang karapatan, ay ibat ibang bagay
na dapat angkinin at tamasahin ninuman.
Nararapat lamang na magtulongan tayo upang maibigay ang lahat
nating kailangan♫
(Inaliw ng diwata si Katrina sa pamagitan ng kanyang mahika. Habang iniikotan ng diwata si Katrina ay nabihisan sya ng isang magarang damit at nakahanda rin ay mga masasarap na pagkain.)

Chorus:
♫Ikay bata, karapatang maalagaan.
Karapatan mo rin na mabigyan ng pagkain tirahan at damit.♫

( Si Katrina ay biglang napatingin sa kanyang sarili gamit ang makintab na baso na nilagyan ng gatas)

♫Ikay bata, karapatang maalagaan.
Karapatan mo rin na mabigyan ng pagkain tirahan at damit.♫

(insert a song)
(Samantala ay narinig ng napadaang magtrotroso ang mapa-angel na boses ng diwata. Wala siyang nakitang ibang tao sa labas kaya lumapit siya sa kulogan, sumilip ito at nakita nya ang bata na nasa loob ng kulongan. Naawa sya sa princesa at nahabag siya. Kaya gamit ang kanyang palakol, ay sinira niya ang pinto at tinakas ang princesa habang nagpunta naman ang kawal sa palasyo at ang sabi nila sa Madrasta ay… )

Rocky : Wala na po kayong dapat alalahanin, mahal na reyna.
Naikulong na po namin ang princesa.

Madrasta: Nakasisiguro ba kayo na hindi makakalayas ang batang iyun sa
kulongan?

Rocky : Opo, mahal na Reyna. Siguradong sigurado po kami.

Madrasta: Mabuti. Ngayon, sa mahinang kalagayan ng hari, ay hindi na niya mapapansin na nawawala na ang kanyang anak. Ha ha ha ha ha Kawawang hari. Ha ha aha ha ha
(Humalakhak ng malakas ang madrasta kasabay rin ang taong inutusan nya. At habang
nagtatawanan ang mga ito, ay dumating naman ang isang dalubhasang manggagamot at
pumasok sapalasyo para gamutin ang Hari. Pagkatapos ay lumabas at nagsabing . . .

Patricio: Paigi na ang karamdaman ng mahal na hari, mahal na Reyna. Parang isang himala ang nangyayari sa kanya. Salamat sa iyo, mahal na Reyna, sa pagmamahal at pag-aaruga mo sa kanya. Sana ay gumaling pa siyang lalo at nang maibsan ang pait na dinaranas nya..
(Kinuha ang sombrero sa upuan at inilagay sa dibdib habang nagpaalam at umalis).

Regine: (Tumaas ang kilay at…) Paalam. Hmmpp! (At pabulong na sinabi) . . . Paiigi? Alam kong hindi na siya magtatagal. Haa ha ha ha. Haa ha ha ha ha.
Narrator : Habang ang Reyna ay nagsasaya sa kalagayan ng hari ay nakalaya naman ang Princesa kasama ang tutubi at dinala siya ng magtotroso sa kanilang bahay. Doon, inalagaan at inasikaso siya ng magsasaka. Pinakain at binilihan siya ng mga damit at habang kumakain, ay naikwento ng Princesa ang naranasan nya. Kaya naman ay lubusang naawa ang magsasaka sa bata at naipangako nya na…

Patrick: Kung ganon ay dapat mong ipaglaban ang sarili mo dahil karapatan mo ang mabigayan ng proteksyon laban sa pagsasamantala, panganib at karahasan ng Reyna.
Katrina: Talaga po! E pero parang hindi mo yata mapigilan ang aking pangalawang ina sa mga ginagawa nya. Matapang yun at baka ipakulong ka rin lang doon. Huwag nalang po…
Patrick: (Palayo sa Princesa at sumugod sa palasyo.)
Sabrina: Mahal kong Princesa tibayan mo ang loob mo… at dahil ikaw ay isang Princesa ay kailangan mong maging matatag at matapang.
♫May bukas pa….?....♫

(Dumating ang asawa ng magtotroso at binalitang nalaman na ng Hari ang nangyayari)

Myrile: Mahal na Princesa ikinagagalak kong sabihin sa iyo na nagtagumpay ang asawa ko sa pagpunta sa palasyo at magbigay alam sa hari sa nangyayari sayo..
Katrina: Talaga po?

(Magkahawak ang Princesa at ang asawa ng magtotroso na nakalukso-lukso dahil sa tuwa
at pagkakasabik Maya’t maya ay dumating ang magtotroso at…)
Patrick: Mahal na Princesa talagang may awa ang Dios at sana, sa pag-uwi mo sa palasyo ay dala-dala mo na sa iyong isipan ang mga natutunan mong mga karapatan mo sa buhay bilang isang bata at maging matatag na Princesa.
Sabrina: Tama yan mahal na Princesa.
Katrina: Salamat po sa inyo…
Myrile: O tayo na at naghihintay na ang iyong amang Hari sa palasyo.
(Magkahawak kamay ang tatlo patungong palasyo at kumakanta kasabay sa diwata
habang naglalakad.)
♫May bukas pa♫


Narrator: Nakabalik na ang princesa sa palasyo at masaya naman silang sinalubong at niyakap ng hari na lubosan nang gumaling sa kanyang karamdaman. Matapos maikwento ng magtotroso ang lahat ng nangyayari, ay pinalayas agad ang Reyna Madrasta at ang kanyang anak sa kaharian. Habang-buhay namang pinakulong ang dalawang sundalo bilang parusa sa kanilang nagawang kasalanan. Sa kahulihan ay naging malaya uli ang princesa sa lahat ng kanyang ninanais at tuluyang naging princesa habangbuhay.


------------------
Related Post:
Webthesurfi Rugs Webdesign
Free Essays

No comments:

Featured Post

Retired Teachers Itinerary to Cebu

Day 1  Airport pick up CCLEX Longest Bridge in the Phils Sto Nino Church and Magellan Cross Parian Shrine and San Diego House Cas...

Popular topics